Ano ang Pertussis? Ano ang mga sintomas
March 23, 2024
Ano ang Pertussis? Ano ang mga sintomas nito?
Ang Pertussis, o "whooping cough" ay isang lubhang nakahahawang impeksyon dulot ng bacteria na Bordetella pertussis. Kadalasan itong nagsisimula bilang isang karaniwang sipon (hal. pagbahing, walang tigil na pagtulo ng sipon, atbp.) na sinusundan ng ubo na palala nang palala sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Paano ito nahahawa?
Maaaring maipasa ng isang taong maysakit ang bacteria sa pamamagitan ng pagkalat ng respiratory droplets tuwing umuubo o bumabahing.
Sino ang kadalasang nahahawa nito?
Ang sakit na Pertussis ay maaaring mahawa sa mga tao anuman ang edad o kasarian. Subalit, maaari itong maging malubha para sa mga sanggol na wala pang bakuna para sa sakit na ito.
Paano ito maiiwasan?
Mahalaga na mabakunahan ang mga sanggol ng Pentavalent Vaccine sa edad na 6 weeks, 10 weeks, at 14 weeks old.
Sumunod sa "cough etiquette" o pagtakip ng bibig at ilong habang umuubo.
Ugaliing maghugas ng kamay.
Panatilihing malakas ang resistensya sa tulong ng masustansyang pagkain, regular na ehersisyo, at sapat na pahinga.
Kung mayroong nararamdamang sintomas, magtungo at magpa-check up sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay.
Department of Health (Philippines) Metro Manila Center for Health Development
I-check ang advisory ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig tunkol sa Pertussis sa link na ito: bit.ly/Pasig_PertussisAdvisory_03222024