ANNOUNCEMENT | SLOGAN AND POSTER-MAKING CONTEST

November 19, 2024


Kabataang Pasigueño, kulayan na ang mga pangarap na ‘yan! Tara na at sumali sa ating patimpalak dahil panahon na para ipakita ang inyong talento at galing sa sining!
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang ng mga aktibidad na kaugnay ng ika-32 National Children's Month.
Gawin nating makulay at makabuluhan ang event na ito sa pamamagitan ng inyong mga malikhaing ideya at talento!
Narito ang updated na detalye para sa nalalapit na Slogan and Poster-Making Contest:
November 20, 2024 (Wednesday) | 8:00AM-12:00PM
Meeting Room 202, Temporary Pasig City Hall, Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig City
Tapos na ang pagpaparehistro para sa Poster-Making Contest, ngunit bukas pa rin ang Slogan-Making Contest!
Huwag palampasin ang pagkakataong maibahagi ang inyong malikhaing ideya at makahulugang mensahe para sa Children's Month.
Magparehistro sa Slogan-Making Contest sa link na ito: https://forms.gle/2CB47D8bSTKF4Wc9A
Para sa mga katanungan, mag-message lang sa Facebook Page ng Pasig Social Welfare Department (City Social Welfare and Development Office) o tumawag sa 0920-562-9364.
Excited na kaming makita ang inyong mga obra at likha! Kitakits!