Announcement | Inter-School Street Dance 2024
November 21, 2024
Sabay-sabay nating tunghayan ang mala-festival na performances sa gaganaping Inter-School Street Dance Competition 2024 bukas, Biyernes, November 22, 2024, 3:00PM, sa Rizal High School Oval.
Tampok dito ang 16 contingents na binubuo ng mga talentadong mag-aaral mula sa iba’t ibang elementary at high schools sa Lungsod ng Pasig.
Kaya naman, inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at makisaya sa makulay na okasyong ito.
Maaari niyo ring mapanuod ang performances via Livestream sa official Facebook Page ng Pasig City Public Information Office.
Excited na ba kayo? Ipagdiwang natin ang mayamang kultura ng ating bansa!
Kita-kits!