Ang Buwan ng Abril Ay National Hemophilia Awareness Month

April 16, 2024



Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa paggunita ng NATIONAL HEMOPHILIA AWARENESS MONTH ngayong buwan ng Abril!
Ang HEMOPHILIA ay isang uri ng bihirang genetic disorder na nagdudulot ng labis na pagdurugo tuwing may sugat dahil sa kakulangan ng blood clotting factors.
Sa kasalukuyan, wala pang gamot para sa sakit na ito kung kaya’t pag-iingat, tamang pangangalaga, at pagkain nang tama ang aming paalala.
I-check ang material mula sa Pasig City Nutrition Committee para sa mga dapat tandaan ng mga taong nakakaranas ng Hemophilia.
“Sobrang pagdurugo ay iwasan, tamang pangangalaga at wastong pagkain dapat tutukan!”