Alternative Learning System Graduates from Bahay Aruga and BJMO City Jail Male and Female Dorm

July 23, 2024



TINGNAN: Graduation Ceremonies para sa mga Sumailalim sa Alternative Learning System
Nasa higit 130 Alternative Learning System (ALS) students ang nagsipagtapos kahapon, July 22, 2024, mula sa Bahay Aruga at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) City Jail Male and Female Dorms.
Mula sa Bahay Aruga, may 20 graduates. Samantala, mula sa BJMP naman, may 79 graduates mula sa Male Dorm at nasa 34 graduates naman ang mula sa Female Dorm.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Education, patuloy pang palalakasin at susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, di lamang ang pormal na edukasyon, maging ang ALS sa Lungsod ng Pasig, lalo na ang mga community-based.
Congratulations sa mga nagsipagtapos!