ADVISORY | PCCH Terminal Cleaning (July 26-29, 2024)

July 19, 2024

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL EMERGENCY ROOM ADVISORY
Sa susunod na Biyernes, July 26, 2024, sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH). Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Kaugnay nito, ang lahat ng Emergency Room Services ng PCCH ay gagawin sa Outpatient Department area na tatagal hanggang sa umaga ng July 29, 2024 (Lunes).
Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa July 29, 2024, sa ganap na 06:00AM.