ADVISORY: Pasig Hope Medical Center Emergency Room (Feb. 28, 2025)
February 20, 2025
PASIG HOPE MEDICAL CENTER (dating Pasig City Children’s Hospital) EMERGENCY ROOM ADVISORY
Sa February 28, 2025 (Biyernes), sa ganap na 06:00PM, pansamantalang lilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig HOPE Medical Center (Pasig HOPE). Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Kaugnay nito, ang lahat ng Emergency Room Services ng Pasig HOPE ay gagawin sa Outpatient Department area na tatagal hanggang sa umaga ng March 3, 2025 (Lunes).
Samantala, babalik sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon ang nasabing pasilidad sa March 3, 2025, sa ganap na 06:00AM.