ADVISORY | Pasig City Children's Hospital Emergency Room (March 28, 2024)
March 28, 2024
PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL
EMERGENCY ROOM
ADVISORY
Pansamantalang malilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room services ang Pasig City Children’s Hospital simula bukas, March 29, 2024, sa ganap na 6:00PM. Ito ay para magbigay daan sa gagawing wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Kaugnay nito, pansamantalang gagawin sa Outpatient Department area ang pagbibigay ng Emergency Room services na tatagal hanggang sa Linggo, March 31, 2024.
Samantala, babalik naman ito sa orihinal na lokasyon at normal na operasyon sa araw ng Linggo, 06:00PM.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.