ADVISORY: Para sa Senior Pensioners ng Pasig: Naipasok na ang 3rd Quarter Pension sa Inyong ATM
October 3, 2024
Magandang balita para sa Local Senior Pensioners na ATM holders!
Naipasok na po sa inyong Benefit Cash Card (ATM) ang 2024 Third Quarter (July - September) Local Senior Pension mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Maaari na itong ma-withdraw mula sa mga Land Bank ATM at ATM ng iba pang bangko na kabilang sa Bancnet (may minimal transaction fee).