Advisory mula sa PCGH-Dialysis Unit | March 23, 2024

March 23, 2024

PABATID PUBLIKO
Pansamantalang isasara ang Pasig City General Hospital (PCGH) - Dialysis Unit sa susunod na Biyernes, March 29, 2024, upang bigyang daan ang paggunita ng Biyernes Santo.
Kaugnay nito, ipinapabatid sa lahat ng pasyente ng Dialysis Unit na walang dialysis treatment sa nasabing araw. Ang lahat ng naka-schedule na dialysis treatment para sa susunod na linggo ay gagawin simula March 25-28, 2024 at March 30, 2024.
Sinisigurado ng PCGH - Dialysis Unit na ang mga naka-schedule na dialysis treatments ay mabibigyan ng serbisyong medikal, kabilang ang mga kasalukuyang naka-admit sa PCGH, sa limang araw na operational ang nasabing pasilidad sa isang linggo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.