Advisory mula sa Pasig City Children's Hospital Emergency Room

January 12, 2024

PASIG CITY CHILDREN’S HOSPITAL
EMERGENCY ROOM ADVISORY
Pansamantalang malilimitahan ang operasyon at ililipat ang lokasyon kung saan nagkakaloob ng Emergency Room Services ang Pasig City Children’s Hospital na magsisimula mamayang 06:00PM. Ito ay para magbigay daan sa gagawing wall-to-wall cleaning, fumigation, at UV light disinfection sa nasabing pasilidad.
Pansamantalang gagawin sa Outpatient Department area ang pagbibigay ng Emergency Room Services na tatagal hanggang sa umaga ng January 14, 2024, araw ng Linggo.
Samantala, simula 06:00AM sa Linggo, babalik na ito sa orihinal na lokasyon at normal operations.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.