ADVISORY MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH

April 26, 2023

Pinapaalalahanan ang lahat na patuloy na maging mapanuri sa mga impormasyon na nakikita at ishine-share sa social media. 

Samantala, hinihikayat ang lahat na mas paigtingin ang pagsunod sa minimum public health standards sa kabila ng pagtaas ng active cases ng COVID-19, kabilang ang pagsusuot ng face mask lalo na sa pampubliko at crowded na lugar; pagsunod sa wasto at madalas na hand hygiene (paghuhugas o pagsa-sanitize); pagpapabakuna kontra COVID-19 na primary at booster doses kung eligible na; at pagseself-isolate kung nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19.