ADVISORY Kasalukuyan pa ring “Under Maintenance” ang Magnetic Resonance Imaging (MRI) System ng Pasig City General Hospital (PCGH)

October 5, 2022

ADVISORY

Kasalukuyan pa ring “Under Maintenance” ang Magnetic Resonance Imaging (MRI) System ng Pasig City General Hospital (PCGH) matapos nitong mag-malfunction dahil sa di inaasahang pagkawala ng kuryente sa nasabing pasilidad noong September 9, 2022. 

Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng PCGH sa supplier ng MRI System para mapagana muli ito sa lalong madaling panahon. 

Maglalabas ng advisory kung maaari na muling magamit ang MRI system ng ospital. 

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.