ADVISORY (IPINAABOT NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT AT DEPARTMENT OF TRANSPORTATION - LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD)

July 3, 2023

Ang mga pangalan ng mga miyembro ng iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) na kabilang sa listahan ay inaanyayahan na pumunta sa tanggapan ng Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) bukas, July 4, 2023, simula 08:00AM hanggang 02:00PM.

Ito ay kaugnay ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government at ng Department of Transportation patungkol sa pagbuo ng opisyal na listahan ng mga nakarehistrong tricycle driver para sa  FUEL SUBSIDY PROGRAM ng NASYUNAL NA PAMAHALAAN na pinapangunahan ng Department of Transportation - Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Para sa mga ang pangalan ay napabilang sa listahan, dalhin ang mga sumusunod na requirements bukas:

-Government-issued ID para sa beripikasyon 

-Updated na GCash account

Ito ay para matugunan ang mga nakitang isyu sa inyong naunang aplikasyon at matukoy kung kayo ay mapapasama sa opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program ng NASYUNAL NA PAMAHALAAN.

I-check ang link para makita ang listahan ng mga tricycle driver na kailangang mag-report sa TORO bukas para maiayos ang kanilang submissions at maisama sila sa opsiyal na listahan ng registered tricycle drivers na makakatanggap ng fuel subsidy:

https://bit.ly/FUELSUBSIDY_LIST 

Kopya ng listahan kung sakaling hindi na mabuksan ang naunang listahan dahil sa sabay sabay na pag-access dito: 

https://bit.ly/FUELSUBSIDY_LIST_COPY