Advisory | Gabay sa Suspension ng Klase
November 17, 2024
Ang magiging batayan ng suspension ng klase sa LAHAT NG ANTAS ng pribado at publikong paaralan sa Lungsod ng Pasig para bukas, November 18, 2024, ay kung may nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa Metro Manila as of 04:00AM (November 18, 2024).
Samantala, maaaring i-check ang Executive Order No. PCG-48, s. 2024, para sa guidelines patungkol sa awtomatikong suspension ng klase ayon sa uri ng lagay ng panahon/ kalamidad (halimbawa: heavy rainfall).
Maa-access ang EO No. PCG-48, s. 2024 sa link na ito: : https://bit.ly/EO_PCG_48_s2024