Advisory: Closure of Pasig City Hall Library (October 29, 2024)

October 28, 2024

Simula bukas, October 29, 2024 (Martes), isasara na ang Library na matatagpuan sa 8/F ng Pasig City Hall, Caruncho Ave, San Nicolas, Pasig City.
Ito ay kaugnay ng kasalukuyang pagbabakante ng mga tanggapan mula sa kasalukuyang City Hall para magbigay daan sa Pasig City Hall Redevelopment Project.
Magkakaroon ng anunsyo kung kailan muli bubuksan sa publiko ang main Pasig City Library and Discovery Centrum sa Caruncho Ave., na kasalukuyan din na sumasailaim sa renovation.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.