Advisory | Class and Work Suspension for November 18, 2024
November 17, 2024
SCHOOLS: #WALANGPASOK
Suspendido ang klase sa LAHAT NG ANTAS ng pribado at publikong paaralan sa Lungsod ng Pasig bukas, Lunes, November 18, 2024.
Kaugnay ito ng nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Metro Manila batay sa 11:00PM Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA dala ng Bagyong #PepitoPH.
GOVERNMENT: #MAYPASOK
Samantala, may pasok ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Lungsod ng Pasig. Ito ay alinsunod sa anunsyo ng Presidential Communications Office na nagbibigay kapangyarihan sa mga mayor na magpasya tungkol sa government operations sa kanilang mga lokalidad.