Advisory (5% Discount on Business Tax)
January 18, 2023
ADVISORY
Para sa business owners na magbabayad ng taunang (annual) business tax para sa 2023, mayroon na lamang po kayong hanggang sa Biyernes, January 20, 2023, para maka-avail ng 5% discount.
Ito ay alinsunod sa Chapter V, Article III, Section 66 ng Revised 2017 Pasig Revenue Code na nagsasaad na ang business owners na walang delinquencies at makakapagbayad ng business tax para sa buong taon bago o sa ika-20 ng Enero ng kasalukuyang taon ay magkakaroon ng 5% discount.