Abiso sa Paglipat ng ilang Operations sa Temporary City Hall
September 11, 2024
Heads up, Pasigueños!
Katulad ng nabanggit ni Mayor Vico Sotto noong flag-raising ceremony, magsisimula nang ilipat ang operations ng ilang opisina/tanggapan ng Pamahalaang Lungsod Pasig sa Temporary City Hall na matatagpuan sa Eulogio Amang Rodrigez Ave., Brgy. Rosario sa darating na Lunes, September 16, 2024.
Mangyaring i-check ang material para sa listahan ng mga serbisyo na ipagkakakaloob na sa Temporary City Hall simula sa isang linggo at maging ang gabay sa distribusyon ng mga barangay sa bawat assessment at payment site, particular sa business permit/taxes.
Magkakaroon po muli ng anunsyo sa isang linggo kung anu-ano namang mga serbisyo ang susunod nang ililipat simula sa September 23, 2024.
Para masiguro na mapaghahandaan ang paglipat ng mga opisina (systems at connectivity-wise), magiging gradual o paunti-unti ang gagawing paglipat ng mga opisina sa Temporary City Hall.
Maraming salamat po at hinihiling po ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang inyong kooperasyon at pag-unawa.