Abiso: Pasig City Cemetery (Barracks)

October 29, 2024

Simula ngayong araw, Martes, October 29, 2024, hindi na pahihintulutan ang pagpapasok ng construction materials sa Pasig City Cemetery (Barracks).
Ang pagkukumpuni, pagpipintura, at paglilinis ng mga museleo, lote, at nitso ay papayagan hanggang October 31, 2024 (Huwebes) lamang.
Samantala, ang huling araw ng paglilibing sa Barracks ay hanggang October 30, 2024 (Miyerkules) para magbigay daan sa pag-obserba ng Undas. Pahihintulutang muli ang paglilibing sa Barracks sa darating na Linggo, November 3, 2024.
I-check ang material para sa operating hours ng Pasig City Cemetery (Barracks) maging ang opisina nito sa October 31 - November 2, 2024.