ABISO PARA SA MGA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG HABAGAT NA PINAIGTING NG BAGYONG CARINA
September 6, 2024
Abiso para sa mga Lubhang Naapektuhan ng Habagat na Pinaigting ng Bagyong CARINA
Magkakaroon po ng distribusyon ng Financial Assistance para sa mga Pasigueño mula sa mga lugar sa mga barangay na nakapagtala ng labis na pinsala sa pananalasa ng Habagat, na pinaigting ng Bagyong CARINA noong July 2024.
Ang pamamahagi ng financial assistance na ito ay bahagi ng recovery ang rehabilitation efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Gabay sa material:
Photo# 2: Sino ang mga makakatanggap ng financial assistance (Kasama ang mga unclaimed mula sa Batch)
Photo #3: Mga Paalala (Kabilang ang requirements na kailangang dalhin sa araw ng Distribusyon)
Photos #4-5: Schedule at Venue ng Distribusyon ng Financial Assistance
------
I-check ang listahan ayon sa category:
Batch 1 Unclaimed: Mga lumikas sa evacuation centers na nasa masterlist at hindi nakuha ang financial assistance na ipinamahagi noong July 31 - August 2, 2024)
Batch 2: Mga lumikas sa evacuation centers ngunit wala sa masterlist kaya hindi nakabilang sa nabigyan ng financial assistance noong unang batch
Batch 3: Mga pamilya/indibidwal na lubhang naapektuhan ng Habagat/Bagyong Carina, ngunit hindi nakalikas (mga na-validate ng City Social Welfare and Development Office noong nagsagawa ng Rapid Damage Assessment sa mga barangay na lubhang naapektuhan: July 29 - August 4, 2024)
Magkakaroon ng update para sa schedule ng distribution ng Batch 3 Financial Assistance sa September 10-13, 2024.
——————
Ang financial assistance na ipinamahagi/ipinamamahagi ay nagmula sa Quick Response Fund (QRF) ng Pamahaalaang Lungsod ng Pasig. Nagagamit ang QRF bilang "stand-by" fund na maaaring gamitin para sa relief at rehabilitation efforts para sa pagtugon sa mga kalamidad at sakuna. Para ma-access ito, isa sa requirements ang pagdeklara ng "State of Calamity" sa lokal na pamahalahaan sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod Resolution.