ABISO MULA SA MMDA TUNGKOL SA PROHIBISYON SA TRICYCLES, PUSH CARTS, PEDICABS, KULIGLIGS, E-BIKES, E-TRIKES, AT LIGHT ELECTRIC VEHICLES SA MGA PANGUNAHING LANSANGAN SA KALAKHANG MAYNILA NA IPAPATUPAD SIMULA SA LUNES, APRIL 15, 2024
April 13, 2024
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, pagmumultahin ng P2,500 ang mga nagmamaneho ng mga naturang unit na mahuhuling dumadaan sa mga piling pangunahing lansangan sa Metro Manila. Kung hindi rehistrado at/o wala maipakitang lisensya ang nagmamaneho nito, kukumpiskahin at i-impound naman ang mga unit.
Narito ang mga listahan ng pangunahing lansangan na hindi maaaring dumaan at bumagtas ang mga naturang sasakyan; mga sakop na sasakyan at eksepsiyon sa regulasyon.
Isa ito sa natalakay sa #BagongPilipinas Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang mga opisyal ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan kamailan para matugunan ang problema sa trapiko sa Kamaynilaan.
Ang pagtugon sa trapiko, hindi kaya ng isang ahensiya lamang; bagkus ay nangangailangan ng koordinasyon at pagtutulungan mula sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.
Kamakailan ay inaprubahan ng Metro Manila Council ang regulasyon dahil sa patuloy na pagdami ng mga light electric vehicles sa mga lansangan at pagtaas ng road crash incident na kanilang kinasasangkutan. Katuwang din sa pagbuo nito ang DOTR, Land Transportation Office, at iba pa. #mmda