50th Nutrition Month: Calendar of Activities

July 10, 2024



At dahil July is Nutrition Month, naghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Pasig City Nutrition Committee at pakikipagtulungan nito sa iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, mga barangay, Department of Education, at maging mga non-government organizations mula sa iba't-ibang sector ng mga aktibidad para mapataas ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa PPAN on Philippine Plan of Action for Nutrition.
——
Kung ang tema ng Nutrition Month sa mga nagdaang taon ay nakatuon sa mga partikular na problema sa nutrisyon, naiiba ang tema ngayong 2024 dahil nakatuon ito sa 𝙋𝙝𝙞𝙡𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙚 𝙋𝙡𝙖𝙣 𝙤𝙛 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧 𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤 𝙋𝙋𝘼𝙉 bilang balangkas ng mga isasagawang nutrition programs sa hinaharap.
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa, natuklasan na sa antas ng mga barangay ay mababa pa ang kamalayan ukol sa PPAN. At bilang isang bagong plano, ang 𝗣𝗣𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟴 ay kailangang maipalaganap nang maayos sa LAHAT ng antas.
Sa pagdiriwang ng #2024NutritionMonth, kaisa ng National Nutrition Council ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa adbokasiya na mapataas ang kamalayan, makabuo ng pakikilahok, at makakuha ng suporta galing sa mga stakeholder mula sa non-government organizations, civil society organizations, private sectors, at sa komunidad.
Kaya ikaw Pasigueño, pamilyar ba sa iyo ang PPAN? Kung hindi pa, makiisa na sa aming adbokasiya at pagdiriwang.
Narito na ang mga aktibidad na aming gagawin sa mga susunod na araw at buwan!