4th Mega Job Fair (Oct. 25, 2024)
October 21, 2024
Sa darating na Biyernes, October 25, 2024, gaganapin ang 4TH MEGA JOB FAIR para sa taong 2024 at OFW Caravan sa 3/F ng Robinsons Metro East, simula 09:00AM hanggang 04:00PM.
Halos 60 local at overseas companies ang lalahok sa job fair na ito para magbukas ng oportunidad sa mga Pasigueño na gustong magkaroon ng trabaho. Kaya naman sa mga nais sulitin ang pagkakataon na ito, maghanda na ng maraming kopya ng inyong updated resume at sariling ballpen!
Magkakaroon din ng ONE-STOP SHOP para sa mga first-time jobseeker na nais mag-avail ng LIBRENG pagkuha ng police clearance o kaya naman pagpaparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS. Para ma-avail ito, dalhin lamang ang mga sumusunod: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); at valid ID.
Bukas din ang one-stop shop para sa lahat ng aplikante na nais isangguni ang kanilang concerns sa national agencies na kabilang sa job fair.
Bukod sa Mega Job Fair na lalahukan ng overseas recruitment agencies, tampok din ang ilang mga serbisyong ipinagkakaloob ng nasyonal na pamahalaan para sa overseas Filipino workers (OFWs) tulad ng: Welfare and Legal Desk, E-Registration Help-Desk, Reintegration Assistance, Seminar/Orientation on Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons (AIR-TIP) mula sa Department of Migrant Workers; OFW Help Desk sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration; at Information Desk tungkol sa mga programa at serbisyo ng Commission on Filipinos Overseas.
Para mas maging mabilis at smooth ang registration process sa darating na job fair, mag- pre-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/2024_4thMegaJobFairPre-RegistrationLink
.
Kaya naman ano pa ang hinihintay ninyo, Pasigueños? Mag-print na ng maraming kopya ng inyong resume dahil ito na ang pagkakataon na magkaroon ng trabaho!
Para sa listahan ng mga trabaho na maaaring applyan sa araw ng job fair, i-check lamang ang facebook post na ito mula sa Pasig City Public Employment Service Office (PESO): https://bit.ly/2024_4thMegaJobFairJobVacancies_PESO
Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pangunguna ng PESO, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan at partner employers.