4th Mega Job Fair | Local and Overseas Employment

October 3, 2023



JOB FAIR ALERT!

Para sa mga naghahanap ng trabaho, ihanda na ang inyong mga resume para sa 4th Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa darating na Biyernes, October 6, 2023, 09:00AM - 0400PM sa Robinsons Metro East!

Para sa mga interesadong lumahok dito, magdala lamang ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen sa araw ng Job Fair! 

Katulad ng dati, tampok pa rin sa Job Fair ang One Stop Shop para sa First Time Jobseekers! Para maka-avail ng libreng serbisyo na ito, (hal: police clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, magdala ng: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); valid ID; at sariling ballpen.

Halos 60 kumpanya na ang nagpahayag ng paglahok sa nasabing job fair, kabilang ang ilang overseas employment agencies, at inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga ito hanggang sa Biyernes! 

Bukas ang job fair kahit para sa mga nakatungtong ng high school o senior high, skilled workers, bagong graduate na wala pang experience, o mga matagal nang naka-graduate at marami ng work experience! Wala ring age limit, kaya isama na sa inyong Friday plans ang pagdalo sa Job Fair!

As usual, ihanda rin ang sarili dahil maaari na ring ma-interview, at higit sa lahat, ma-hire on the spot!

Kita kits sa Biyernes, sa 3/F ng Robinsons Metro East!

I-check ang link na ito para sa job vacancies na available sa darating na job fair: https://bit.ly/Pasig4thMegaJobFair 

Naging posible ang 4th Mega Job Fair sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan sa Robinsons Metro East.