3rd National Youth Leadership Summit on Safer Cyberspace

November 29, 2023

Nagtipon ang nasa 150 participants mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, youth leaders, faith-based organizations, school administrators, at mental health professionals para sa 2-day 3rd National Youth Leadership Summit on Safer Cyberspace na ginanap noong November 25-26, 2023 sa Tanghalang Rizal. 

Sa ilalim ng temang PAGSIBOL: Co-creating CyberSafe Homes and CyberSafe Schools through Youth Empowerment and Community Engagement, nagsilbing venue ang summit para sa mga tinaguriang "Safe Cyberspace Champion" na magtipon upang magkaroon ng mga talakayan para patuloy na mapataas ang kaalaman ng mga Pasigueño, lalung-lalo na ang mga kabataan, ukol sa mga negatibong epekto ng maling paggamit ng cyberspace tulad ng internet.

Highlight ng summit ang presentasyon ng 3-year Roadmap on Safer Cyberspace ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ang roadmap na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang ideya ng mga miyembro ng Pasig City Local Council for the Protection of Children sa naganap na 3-day Strategic Planning Workshop on Safer Cyberspace for Children and Youth noong September 2023. Nakapaloob sa nasabing roadmap ang mga programa at proyekto na nakatakdang isulong ng lokal na pamahalaan upang masigurong patuloy na malabanan at maputol ang problema kaugnay ng online abuse at exploitation ng kababaihan at kabataan.

Dito rin inilahad ng CyberGuardiansPH (CGPH), isang non-government organization na partner ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ang kanilang comprehensive program para sa sama-samang pagsulong ng Cybersafe Homes and Cybersafe Schools sa Pasig City sa pamamagitan ng: Setting-up the structure and mechanism for an Awareness-based systems change to create Nurturing homes, schools, and communities engaged in Combating OSAEC and other forms of cyber threats; and Tapping on various psychosocial, psychospritual, and values-based interventions to Uplift selected victim-survivors in theri continuing healing and recovery And Reintegration as responsible Young member of the society o ang S.A.N.C.T.U.A.R.Y.

Ang pagsasagawa ng 3rd National Youth Leadership Summit on Safer Cyberspace ay parte ng selebrasyon ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. 

Naging posible ang pagsasagawa ng 3rd National Youth Leadership Summit on Safer Cyberspace sa pangunguna ng Office of the Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan sa CGPH.

Lubos na nagpapasalamat ang organizers sa lahat ng mga nakiisa at nagpahayag ng kanilang kagustuhang makatulong sa pagpuksa sa isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.

Balikan ang mga kaganapan mula sa 3rd National Youth Leadership Summit on Safer Cyberspace: 

Day 1: https://bit.ly/3rdNationalYouthLeaderSummit_Day1 

Day 2 (Part 1): https://bit.ly/3rdNationalYouthLeaderSummit_Day2Part1 

Day 2 (Part 2): https://bit.ly/3rdNationalYouthLeaderSummit_Day2Part2