2nd Quarter NSED (June 28, 2024)

June 28, 2024

Kaisa ng National at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa darating na Biyernes, June 28, 2024 sa ganap na 02:00 ng hapon.
Para sa NSED na ito, magsisilbing CEREMONIAL VENUE ang Rescue Emergency Disaster (RED) Training Center ng ating lungsod. Bukod sa gaganaping ceremonial pressing of the button, magsasagawa rin ng full-scale simulation exercise para sa gumuhong istraktura at sunog upang masubok ang kahandaan ng Barangay, City, Regional at Assisting Regional, at National Search, Rescue, and Retrieval responders sakali mang tayo ay makaranas ng matinding sakuna gaya ng “The Big One” sa Metro Manila.
Kasabay nito, magkakaroon din ng evacuation drill sa Pasig City Hall kung saan ang mga empleyado at maging ang mga bibisita rito ay kinakailangang pumunta rin sa designated evacuation areas (Hal. GAD compound, Tanghalang Pasigueño).
Hinihikayat ang mga empleyado na isuot ang mga hard hat at dalhin ang Emergency Go Bag na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga kawani sa pakikiisa sa NSED.
Inaasahan ang kooperasyon ng bawat isa sa 2nd Quarter NSED.
Maraming salamat po!