22nd Grand Bambino Parade
January 15, 2023
Viva Bambino de Pasig!
Makalipas ang dalawang taon, muli nating naipagdiwang nang magkakasama ang Kapistahan ng Bambino de Pasig ngayong araw, January 15, 2023!
Muling nagsama-sama ang mga deboto mula sa iba't ibang barangay, organisasyon, at samahan sa lungsod upang ipagdiwang ang isang masaya at makulay na 22nd Grand Bambino Festival ngayong taon! Sa selebrasyong ito, idinaan ng mga deboto sa indakan at masasayang awitin ang kanilang pagbibigay papuri sa Banal na Sanggol na si Hesus.
Bilang pagpapatuloy ng kapistahan, magkakaroon ng Bambino Exhibit tampok ang mga Sto. Niño mula sa iba’t ibang lugar at organisasyon, na magsisimula sa January 22 - 31, 2023 mula 10:00 a.m. hanggang 07:00 p.m. na gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral Formation Center.