2025 National and Local Elections Update: Official Ballots Delivered and Presented

May 7, 2025

Opisyal nang nai-deliver ang official ballots na gagamitin sa Lungsod ng Pasig sa darating na May 12 elections kahapon ng umaga, May 6, 2025.
Naka-seal pa ang access doors ng delivery truck na naglululan ng official ballots nang dumating ito sa Temporary Pasig City Hall bandang 8:45AM. Para saksihan ang nasabing pagdating ng balota sa Pasig, present ang election stakeholders tulad ng Commission on Elections (COMELEC), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), mga kinatawan mula sa mga kumakandidato ngayong eleksyon, at iba pang authorized personnel katulad ng mga miyembro ng kapulisan.
Matapos tanggalin ang pagkakaselyo ng access doors ng delivery truck ay agarang dinala ang official ballots sa designated storage room nito. Naunang ibinaba ang mga balota para sa DIstrict 1, na sinundan naman ng pagbababa ng balota para sa District 2.
Sinundan ito ng naging presentasyon ng official ballots sa mga present na election stakeholders sa isang maiksing programa na pinangasiwaan ng City Treasurer's Office — ang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod na siyang nangunguna sa election preparations katuwang ng dalawang COMELEC districts sa Pasig.
Sa kanyang Welcoming Remarks, siniguro ni City Treasurer Marita Calaje ang pagtalima ng tanggapan sa pagtataguyod ng transparency at electoral integrity sa lungsod. Matapos nito ay nag-present din si Peace and Order Department Ret Col Rodrigo De Dios tungkol sa overview ng security arrangements at electoral activities na magaganap simula May 6 hanggang sa May 12, ang araw ng eleksyon.
Para sa full transparency ay naka-post din ang ballot IDs ng official ballots na nakaayos ayon sa clustered precincts na maaaring makita sa labas ng area kung saan nakalagak ang official ballots. Ang election stateholders ay malaya ring nakakuha ng photos at videos kaugnay nito.
Ang nasabing takbo ng programa ay dalawang beses ginawa kahapon, noong umaga para sa District 1 at noong hapon para sa District 2.