2025 na, Wakasan na Natin Ang Gender Stereotypes!
April 6, 2025

𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐧𝐚, 𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐭𝐞𝐫𝐞𝐨𝐭𝐲𝐩𝐞𝐬!
Ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kasarian o itsura. Ang bawat isa, ano man ang kasarian, ay may karapatang pumili at magtagumpay sa propesyong ninanais.
____
Ang 𝐠𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐬𝐭𝐞𝐫𝐞𝐨𝐭𝐲𝐩𝐞𝐬 ay mga makaluma at makitid na paniniwala o inaasahan ng lipunan tungkol sa mga tungkulin, ugali, at kakayahan ng mga babae, lalaki, at iba pang kasarian. Halimbawa, ang paniniwalang ang pagiging nurse ay para lamang sa magagandang babae, o ang pagiging inhinyero naman ay para lang sa mga lalaki.
Ang ganitong pananaw ay humahadlang sa pagkakaroon ng pantay na oportunidad at naglilimita sa kakayahan ng isang tao batay lamang sa kanilang kasarian.
Panahon na upang iwaksi ang mga ganitong kaisipan at paniniwala. Wakasan na ang gender stereotypes!
#WEcanbeEquALL #InspireInclusion