2024 OPERATION TIMBANG PLUS
January 17, 2024
Nagsimula nang magbahay-bahay ang Pasig City Nutrition Committee, sa tulong ng mga health workers mula sa Barangay Health Centers, noong isang linggo para sa 2024 Operation Timbang Plus!
Sa ilalim ng Operation Timbang Plus ay tinitimbang at sinusukatan ng haba (o height) ang mga bata na may edad 0-59 months at pinapatakan naman ng Vitamin A ang mga may edad 6-59 months.
Kaya naman hinihingi namin ang inyong kooperasyon para sa matagumpay na implementasyon ng 2024 OPT Plus!
Nagsimula ito noong January 8, 2024 at tatagal hanggang sa March 2024. Kung hindi nadatnan sa bahay, babalikan ng deployed na team ang inyong mga anak para sa OPT Plus. Ngunit sa pagkakataon na hindi pa rin magtagpo ang inyong schedule at pagbisita ng OPT Plus Team hanggang sa Marso, maaaring magtungo sa pinakamalapit na Barangay Health Center sa inyong tahanan.