2024 First Quarter NSED

March 22, 2024

Kaisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Office of the Civil Defense and Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Lunes, March 25, 2024, 09:00AM.
Bilang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa 1st Quarter NSED, hinihikayat ang lahat ng mga empleyado at maging ang mga bibisita sa City Hall na makiisa sa pag-“Duck, Cover, and Hold” sa hudyat ng pagtunog ng sirena, at magpunta sa designated evacuation areas (Hal. City Hall Quadrangle, Tanghalang Pasigueño).
Hinihikayat ang mga empleyado na isuot ang mga hard hat at dalhin ang kani-kaniyang Pasig City Government Employee Emergency Go Bag bilang parte ng 1st Quarter NSED. Ito ay bilang pagsasanay na rin kung sakali man na tayo ay makaranas ng matinding sakuna.
Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kooperasyon ng bawat isa sa 1st Quarter NSED para sa taong ito.
Maraming salamat po!