2023 Business Registration Renewal
December 29, 2022
I-check ang status ng inyong negosyo sa site na ito para less hassle na sa business renewal season sa January 2023!
businessstatuslist.pasigcity.gov.ph
Sa site na ito, makikita niyo ang status ng inyong negosyo sa regulatory offices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang preparasyon sa nalalapit na business renewal season.
-Kung makikita ang “Provisionally cleared for processing” ibig sabihin ay walang concern sa isang negosyo.
-Kung may lalabas na “Regulatory Office” at “Status,” mangyaring pumunta kaagad sa nasabing regulatory office upang maresolba ang concern sa inyong negosyo bago pa man ang business renewal season.
Hanggang ngayong araw na lamang bukas ang Pasig City Hall ngayong taon, dahil regular holiday bukas, December 30, 2022 bilang paggunita ng Rizal Day.
PAALALA: Hindi kasama sa database na ito ang deficiencies sa ilalim ng Bureau of Fire Protection at mga barangay sa Pasig. Mangyaring makipag-ugnayan sa kanila nang direkta bago pa magpa-renew ng business registration sa January.