1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Pasig City
March 9, 2023
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong hapon, March 9, 2023, na pinangunahan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Nag-duck, cover, and hold ang mga empleyado at bisita sa Pasig City Hall at maging ilang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at lumikas sa designated evacuation areas.
Matapos masigurong naka-evacuate na ang lahat, nagsagawa ang Pasig City DRRMO ng isang full scale exercise kabilang ang search and rescue operations at ang pag-check ng mga posibleng pinsala o sira sa gusali.
Layunin ng pagsasagawa ng earthquake drills ang maihanda at maipaalam sa mga tao kung ano ang dapat gawin sa pagkakataon na makakaranas ng paglindol.