1st Job Fair
July 5, 2024
JOB FAIR ALERT!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsanib pwersa ang Embassy of India (Manila) at Pamahalaang Lungsod ng Pasig para makapaghatid ng job opportunities sa PasigueƱos, maging mga kalapit lugar nito!
Ayain na ang mga kaibigan, kamag-anak, mga kabarangay sa Job Fair na gaganapin sa July 12, 2024, Biyernes, 09:00AM - 05:00PM, sa 3/F ng Robinsons Metroeast! Nasa halos 20 companies na nag-ooffer ng higit 2,500 job opportunities ang lalahok dito!
Para sa mga interesadong makakuha ng slot para sa interviews, mag-register online sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na nasa material at pagsagot sa online form. Maaari ring i-click ang link na ito: https://nezdaglobal.com/registration/
Ang deadline ng online registration ay hanggang sa Lunes, July 8, 2024.
Tampok din sa Job Fair na ito ang One Stop Shop, kaya naman para naman sa first-time jobseekers: sulitin na ang araw na ito para makapag-avail ng libreng serbisyo gaya ng police at NBI clearance o makapagparehistro sa mga kadalasang employment requirements tulad ng BIR, Pag-IBIG, PhilHEALTH, at SSS!
Magdala lamang ng Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay) at valid ID.
Para sa espesyal na Job Fair na ito na naging posible sa pakikipagtulungan sa Embassy of India (Manila), nakipag-ugnayan din ang Pasig City Public Employment Service Office (PESO) sa mga PESO ng karatig lugar ng Pasig katulad ng PESO Antipolo, Cainta, Marikina, at Taytay!
May pakikipag-ugnayan din ang PESO sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, Rizal Technological University - Pasig, Pasig Catholic College, at Arellano University - Pasig!
Kaya tara na at kita-kits sa darating na Biyernes!