1st Job Fair: 2,500+ Job Openings with attractive salaries & perks

July 11, 2024

Mga Pasigueño, handa na ba ang mga resume ninyo?
Magkita-kita tayo bukas, July 12, 2024, simula 09:00AM hanggang 05:00PM, sa 3/F ng Robinsons Metroeast para sa gaganaping Job Fair event na makapagbibigay ng higit 2,500 job opportunities sa mga Pasigueño at maging sa mga kalapit na lugar gaya ng Antipolo, Cainta, Marikina, at Taytay!
Bukod sa job opportunities, magsisilbi rin itong one-stop shop ng employment requirements, lalo na para sa first-time jobseekers. Kung nais makapag-avail ng libreng employment requirements mula sa piling government agencies, magdala lamang ng Barangay Certification at valid ID.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? I-check na ang material at basahin ang caption sa original post para sa kumpletong detalye tungkol sa magaganap na job fair bukas!
Kita-kits!
Ang Job Fair event na ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng Embassy of India (Manila) sa Pasig City Public Employment Service Office (PESO) at maging sa mga karatig lugar ng Lungsod ng Pasig.
Bukod pa riyan, nakipag-ugnayan din ang PESO sa mga paaralan sa Lungsod ng Pasig gaya ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, Rizal Technological University - Pasig, Pasig Catholic College, at Arellano University - Pasig.