19th Women with Disabilities Day: WE for Gender Equality and Inclusive Society
March 29, 2023
Kaisa ng National Council on Disability Affairs ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa naging selebrasyon ng 19th Women with Disability Day noong Lunes, March 27, 2023.
Parte pa rin ito ng selebrasyon ng National Women's Month ngayong buwan ng Marso.
Sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, nagsagawa ng Women with Disabilities Day: We for Gender Equality and Inclusive Society Event kung saang 100 kababaihan na mga kinatawan mula sa iba't ibang organisasyon sa Pasig ang dumalo, tulad ng Pasig City Kidney Patient Association, Pasigueño Deaf Society, AKKAP Pasig Federation, Inc., Pasig League of PWDs Federation, Inc., at Pasig City CWD Under Parent Federation, Inc.
Nagbigay ng lecture ukol sa Gender Equality and Inclusive Society si Ms. Maria Lourdes T. Jarabe, PhD at Gender Sensitivity Training si Mr. Edgardo L. Razon. Para naman masiguro na maging inklusibo ang lectures, may Sign Language Interpreter na si Ms. Liz Vallesteros.
#WEcanbeEquALL