159th Andres Bonifacio Day

November 30, 2022

Kaisa ng National Historical Commission of the Philippines ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio na may temang: “Bonifacio 2022: Kabayanihan at  Pagtindig sa Makabagong Panahon.”

Bilang paggunita sa buhay ng Ama ng Himagsikang Pilipino, isang maiksing programa ang idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa Plaza Bonifacio kaninang umaga, Nobyembre 30, 2022. Tingnan ang link upang mapanood ang programa: bit.ly/159thAndresBonifacioDay