ADVISORY: Pinapaalala po sa lahat na LIBRE ang pagproseso ng senior citizen ID o membership card mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

September 20, 2022

Example blog post alt

ADVISORY

Pinapaalala po sa lahat na LIBRE ang pagproseso ng senior citizen ID o membership card mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Wala ring karampatang bayad na ipinapataw sa mga senior citizen bago makatanggap ng mga sumusunod na benepisyo o local financial assistance na pinapangasiwaan ng Pasig City Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA):

-Purchase Booklet

-Cinema Booklet

-Annual Cash Gift

-Local Senior Pension

-Centenarian

-Burial Assistance

-DSWD Social Pension

Kaugnay nito, libre rin ang APPLICATION FORMS gaya ng:

-Senior ID Application Form

-Landbank Form

-DSWD Social Pension Form

-Local Senior Pension Form

-Centenarian Form

-Burial Assistance Form

Para makapagproseso ng senior citizen ID at anumang financial assistance, magpasa ng kumpletong requirements sa OSCA na nasa Pasig City Hall, GAD Compound. Tanging ang OSCA sa GAD Compound lamang ang nagpo-proseso ng mga aplikasyon para sa senior citizen ID.

Ang membership fees o butaw ay babayaran lamang kung ang senior citizen ay sumali o nagpa-member sa Barangay Senior Associations. Ang mga nakolektang butaw na ito ay ginagamit para sa kanya kanyang programa at activities ng Barangay Senior Associations.

Bisitahin ang Pasig City OSCA Facebook Page para sa mga lehitimong impormasyon at anunsyo tungkol sa iba’t ibang programa at aktibidad para sa senior citizens ng Pasig.

Maraming salamat po.