TINGNAN: SK Maybunga kinilala bilang Outstanding SK Council sa buong Pilipinas

August 15, 2022

Example blog post alt

TINGNAN: SK Maybunga kinilala bilang Outstanding SK Council sa buong Pilipinas

Pinarangalan ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Maybunga bilang isa sa sampung natatanging SK Councils sa buong Pilipinas sa katatapos lamang na 3rd Philippine Sangguniang Kabataan Awards noong August 12, 2022.

Matapos dumaan sa masusing screening, evaluation, validation, at panel interviews, pormal na ginawaran ng parangal ang mga kabataang ito mula sa Lungsod ng Pasig bilang pagkilala sa kanilang natatangi at tapat na paglilingkod at pagbuo ng mga makabuluhang proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.

Ang parangal na ito ay isa sa patunay na patuloy ang pag-agos ng pag-asa sa Lungsod ng Pasig dahil sa mga kabataang handang makisangkot sa paggobyerno at pagsusulong ng patuloy na pag-unlad ng ating lungsod.