#BalitangALS:

July 29, 2022

Example blog post alt

#BalitangALS: Nagtapos ang mahigit 500 na ALS elementary at junior high school (JHS) learners sa DepEd Schools Division ng Pasig City ngayong July 29, 2022. Pinasinayaan nina incoming DepEd Assistant Secretary G.H. Ambat, Pasig City Rep. Roman Romulo, Pasig City Mayor Victor Ma. Regis "Vico" Sotto, at Pasig City Vice Mayor Robert "Dodot" Jaworski Jr. ang seremonya na dinaluhan din ng mga pamilya ng mga nagtapos.

Hinikayat ng mga opisyales ang mga nagtapos sa ALS na huwag silang tumigil sa pagsisikap na marating ang kanilang mga pangarap at plano sa buhay sa kabila ng kanilang edad o kalagayan sa buhay.

#DepEdALS

#ALSLevelUp

#GOALS

#AllinLahatsaALS