TINGNAN: Kasabay ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month (July 1-31, 2022)

July 26, 2022

Example blog post alt

TINGNAN: Kasabay ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month (July 1-31, 2022), kinilala at binigyang parangal ng Lungsod ng Pasig ang mga tinaguriang "modern heroes" na mula sa iba't ibang sektor na boluntaryong nagdo-donate ng dugo, lalo na ngayon na nasa panahon pa rin tayo ng pandemya.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat na boluntaryong mag donate ng kanilang dugo upang mas marami pa tayong matulungan at maisalbang buhay. Sa mga may nais, maaari kayong magtungo sa ating Blood Letting event na ginaganap sa Pasig City Sports Center Lounge tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 8:30 a.m. hanggang 12:00 nn.