TINGNAN: STATE OF THE CITY ADDRESS 2022

July 02, 2022

Example blog post alt

TINGNAN: STATE OF THE CITY ADDRESS 2022

Kaninang hapon, idinaos ang State of the City Address ni Mayor Vico Sotto na ginanap bandang alas-kwatro ng hapon sa Tanghalang Pasigueño.

Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor Vico ang mga nagdaang taon sa kanyang unang termino bilang alkalde ng Pasig. Kanyang inilitag ang mga programang nailunsad magmula ng siya ay manungkulan. Naisaad din ang lahat ng mga programang naipatupad upang maaksyunan ang mga problema at kahirapan na dulot ng pandemya. Sinubok man nito ang pahahatid ng serbisyo sa mga Pasigueño, hindi naman tumigil ang lungsod upang makapagsilbi at matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

Malugod din na ibinahagi ni Mayor Vico ang mga programang inihahanda ng lungsod para sa susunod na tatlong taon ng kanyang panunungkulan.

#449ArawNgPasig

#TuloyAngAgos