Pasigueños, handa na ba kayo?

June 21, 2022

Example blog post alt

Pasigueños, handa na ba kayo?

Matapos ang dalawang taon, muli tayong mag sasama-sama sa isang malaking pagtitipon para sa gaganaping PASIG CITY CIVIC PARADE sa susunod na Biyernes, July 1, 2022, mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m., kaugnay pa rin ng ating pagdiriwang ng ika-449 Araw ng Pasig!

Mag-uumpisa ang Civic Parade sa harap ng Sta. Clara de Montefalco Church at magtatapos sa Pasig City Quadrangle. Makikiisa rito ang mga city and barangay officials, National Government Offices, schools, civic groups, private sectors, at marami pang iba!

Paalala lamang po na asahang "skeletal workforce" sa Pasig City Hall sa nasabing araw at oras. Inaasahan po ang pag-intindi at lubos na pag-unawa ng lahat.

#449ArawNgPasig

#TuloyAngAgos