Heads up, Pasigueños!

June 20, 2022

Example blog post alt

Heads up, Pasigueños!

Bilang panimula sa ating pagdiriwang ng ika-449 Araw ng Pasig, tara na at bumisita sa gaganaping FOOD FESTIVAL sa June 27 (Lunes) hanggang July 3 (Linggo), mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., sa Pasig City Quadrangle sa harap ng Pasig City Hall.

Tampok dito ang samu't saring mga lokal na pagkain at food delicacies ng Pasig City!

Samantala, kasabay naman ng weekly flag raising ceremony sa susunod na Lunes, June 27, 2022, ay paparangalan naman ang mga natatanging atletang Pasigueño, kabilang na rito ang mga lumahok sa nakaraang Southeast Asian Games (SEA Games).

#449ArawNgPasig

#TuloyAngAgos