Ipinagbabawal ang paglabas ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19

January 13, 2022

Example blog post alt

Alinsunod sa MMC MMDA Resolution No. 22-01, s. 2022, na ipinagtibay sa Pasig sa ilalim ng bisa ng Ordinance No., 1, s. 2022: ipinagbabawal ang paglabas ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19; liban na lamang kung bibili ng mga pangunahin at essential na pangangailangan, maga-access ng mga essential na serbisyo, o magre-report sa trabaho.

Tingnan ang material para sa iba pang exceptions at karampatang parusa sa paglabag sa ordinansa.

Pinapaalalahanan ang lahat, bakunado man o hindi, na patuloy ang gawing pag-iingat at pagsunod sa minimum public health standards, at hangga't maaari, ipagpaliban ang pag-alis sa bahay kung hindi naman importante ang pakay sa paglabas.