TINGNAN: Launching ng Pilot Implementation ng Alternative Learning System - Senior High School

November 24, 2021

Example blog post alt

TINGNAN: Launching ng Pilot Implementation ng Alternative Learning System - Senior High School

Ngayong araw, November 24, 2021 ay opisyal nang inilunsad ang Pilot Implementation ng Alternative Learning System o ALS para sa Senior High School sa pangunguna ng Schools Division Office ng Pasig at Buting Senior High School. Ikalawa pa lang po ang Lungsod ng Pasig na magkakaroon ng implementasyon ng ALS para sa SHS sa buong bansa. Sa kasalukuyan, may 81 learners na naka-enroll sa nasabing programa.

Layunin ng programa na matulungang makabalik sa pag-aaral at magbigay daan para magkaroon pa ng mas maganda at mas maraming employment opporturtunities sa hinaharap ang mga makakatapos dito.

Kasama ni Pasig Mayor Vico Sotto sa naging launching kanina ang mga kinatawan ng Schools Division Office of Pasig sa pangunguna ni OIC-SDS Ma. Evalou Concepcion Agustin at Congressman Roman Romulo na Chairman ng House Committee on Basic Education and Culture at principal author ng House Bill No. 06910 na kalaunan ay naisabatas bilang RA 11510 o Alternative Learning System Act.

#UmaagosAngPagAsa