TINGNAN: Vaccine Express sa Manggahan

September 20, 2021

Example blog post alt

TINGNAN: Vaccine Express sa Manggahan

Kahapon, September 19, 2021, nagbalik sa Vaccination Site sa Manggahan ang Tanggapan ng Bise Presidente kasama ang mga volunteer doctors, nurses, at medical students para sa pagbabakuna ng second dose ng mga Pasigueño na kabilang sa A4 at A5 priority groups.

Matatandaang unang nagkaroon ng Vaccine Express noong August 21-22, 2021 para makapagbigay ng first dose sa halos nasa 1,600 Pasigueño.

Nagpapasalamat ang Pasig City Vaccination Team sa Office of the Vice President, sa mga partners nito, at higit sa lahat sa mga volunteers na naglaan ng oras para maging matagumpay ang Vaccine Express sa Manggahan.

VaccineExpress X BakunaNgPagAsa