Magandang balita para sa mga Pasig City Scholar at mga gusto pang maging scholar!

September 17, 2021

Example blog post alt

[UPDATE: Mabilis lang dapat ang interval mula sa pagsumite ng online application at pagtanggap ng PDF copy ng inyong accomplished form sa inyong e-mail address.

Kung sakaling hindi makakatanggap ng PDF copy sa e-mail, i-check ang SPAM folder ng inyong e-mail o di kaya ay i-download ang application form mula sa link na ito: https://bit.ly/downloadableapplicationform

Sagutan ito manually at ito ang isama sa iba pang hard copy ng requirements na ipapasa via drop box.]

---

Magandang balita para sa mga Pasig City Scholar at mga gusto pang maging scholar!

Bukas na muli ang application period para maging Pasig City Scholar!

Requirement ang pag-register online para makapag-apply bilang Pasig City Scholar. Para makapag-online registration, i-click ang link na ito:

https://bit.ly/pasigscholarshipapplication2021-2022

I-check ang material para sa proseso ng aplikasyon, requirements, evaluation ng mga natanggap na aplikasyon, at lokasyon ng mga drop boxes.

PAALALA: Lahat po ay kailangang mag-register online. Nagkaroon ng option na i-download ang registration form kung sakaling may mga hindi makakatanggap ng PDF copy ng kanilang accomplished form mula sa [email protected], makakapagpasa pa rin sila ng hard copy ng kanilang accomplished forms. Hindi po iga-grant ang anumang "request to edit" sa form. Kailangan niyo po itong i-download para masagutan ito.

Kung may mga katanungan ukol sa application process, magpadala lamang ng e-mail sa: [email protected]