TULOY TULOY ANG ONSITE PROFILING SA PASIG VACCINATION SITES

September 05, 2021

Example blog post alt

TULOY TULOY ANG ONSITE PROFILING SA PASIG VACCINATION SITES

Kaunti na lamang ang supply ng bakuna na hawak ng ating Vaccination Team. Habang naghihintay ng bagong delivery ng COVID-19 vaccines, tuloy tuloy pa rin ang onsite profiling sa mga bukas na Vaccination Sites sa Pasig.

I-check ang material para sa mga bukas na vaccination sites. Maaaring magpa-update ng Pasig Health Monitor records (onsite profiling) simula 09:00AM - 03:00PM.

Dalhin ang mga sumusunod:

-PasigPass QR code

-Valid ID

-Ballpen

Ang pag-update ng PHM records ay kailangan para makapagrehistro sa Vaccination Program ng Pasig City. Ang onsite profiling ay bukas para sa mga Pasigueño na kabilang sa A1-A5 priority groups!